Wednesday, June 04, 2008

Wer na U? L8 Me.


Sumisingit pirmi sa pila. Hindi makapaghintay sa takdang oras at lugar ng tawiran. Kapag nasita ng isang traffic enforcer o pulis, automatic 'yan: "Medyo nagmamadali lang po, eh." Kapag naipit sa trapik, hindi titigil hangga't hindi nakakauna sa ibang sasakyan; may yabang pang halo 'pag naka-alpas na. Bumili na motor para hindi maipit sa trapik; lintik kung paandarin ito, akala mo ay ahas sa kaliwa't kanang pagpasok sa pinakamaliliit na puwang.

Pirming nagmamadali. Lagi.

9:30 ba kamo? Alas-diyes ang intindi dyan.

Pirming nagmamadali. Lagi. Lagi din namang huli.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home