Friday, February 01, 2008

Lolo Genio

“Sa Las Vegas po, ‘Tay. Sa Las Vegas, Nevada. Doon po nakatira ngayon si Macky.”

“Ano kamo, Vigan? Anong ginagawa niya doon? Eh kung dito rin pala sa Pilipinas magta-trabaho si Macario, bakit hindi na lang sa Maynila?”

“Hahaha! Mom said “Las Vegas”, Lolo Eugene. Uncle Macky finally landed a job—he’s a busboy in some Vegas hotel.”

“Ahhh, bigas. Mabuti’t nagpasya na rin si Macario na mag-negosyo na lang. Mainam din na bigasan ang napili niya. Siguradong walang lugi at kailangan ng lahat ng tao ng kanin.”

1 Comments:

Blogger candylicious said...

pare, tawa ako ng tawa dito.. na-iimagine ko na kung pano mo kinukwento to.. hehehehe.. ;)

11:26 PM  

Post a Comment

<< Home