Thursday, May 15, 2008

Hari (LP7; Umaapoy)


Maaaring labis ang pagod at kulang sa tulog dahil sa labindalawang oras na biyahe, pero pinilit kong gumising nang maaga para lang dito. Matindi pa ang kagat ng lamig; hindi pa rin tapos ang paglikas ng hamog; dama mo ang pupungas-pungas pang pagkilos ng maliit na bayang ito. Ngunit hindi paaawat ang haring araw.

Kuha mula sa balkonahe ng Ganduyan Inn, Sagada. Iyon na yata ang pinakamasarap na tasa ng kapeng nahigop ko.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home